Mayroong suporta para sa iyo
May problema ka ba at walang maasahan na ibang tao
Sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang katanungan,
Mula sa humigit-kumulang 150 na programa ng suporta at mga serbisyo
Maaari mong gamitin ang chatbot upang mahanap ang suporta
na angkop sa iyong sitwasyon.
Gamitin ang pagkakataong ito para kumuha ng suporta para sa iyo.
Para sa namomoblema dahil sa kalungkutan at pagiisa
Kung dumaranas ka ng alinman sa mga sumusunod na problema, bakit hindi ka kumunsulta sa amin?
<Listahan ng mga lugar upang kumonsulta>
- ①Kung pakiramdam mo gusto mong mawala o mamatay
- ②Konsultasyon ng bata tungkol sa bullying at iba pang problema
- ③Konsultasyon ng biktima ng mga sekswal na krimen at sekswal na karahasan
- ④Kung sa tingin mo ay maaaring child abuse ito.
- ⑤Kung sa tingin mo ay nakakaranas ka ng karahasan mula sa asawa (DV)
- ⑥Kapag nais mong kumonsulta sa amin tungkol sa iba't ibang problema tulad ng pakiramdam ng kahirapan sa pamumuhay.
①Kung pakiramdam mo gusto mong mawala o mamatay
Mamorou yo, Kokoro (Protekatahan ang damadamin) (Ministry of Health, Labor and Welfare HP)
Nagpapakilala din kami ng mga tanggapan ng espesyal na ahensya para sa mga may alalahanin o problema sa pamumuhay (at iba pang konsultasyon) gamit ang LINE o "online chat" (konsultasyon gamit ang SNS) para sa mga hirap kumunsulta sa telepono o/at pagtawag sa numero ng telepono ng mga tanggapan mula sa Pambansang pangkalahatang numero (tulad ng Mental Health Consultation Unified Dial) na konektado sa mga pampublikong tanggapang itinalaga ng mga prepektura/mga ordinansa ng lungsod na base sa lugar kung saan galing ang iyong tawag.
②Konsultasyon ng bata tungkol sa bullying at iba pang problema
Serbisyo sa Konsultasyon para sa SOS ng mga Bata (Kodomo no SOS no Sodan Madoguchi) (MEXT HP)
【TEL:0120-0-78310】
Mayroong nationwide unified dial (toll free) para ang mga bata ay makakonsulta sa amin tungkol sa bullying at iba pang problema 24 oras, kahit gabi at holiday, mula saanmang lugar sa Japan. Sa prinsipyo, ikokonekta ang tumawag sa organisasyon ng pagpapayo ng Lupon ng Edukasyon sa lokasyon ng pagtawag.
③Konsultasyon ng biktima ng mga sekswal na krimen at sekswal na karahasan
One-Stop Support Center para sa mga Biktima ng Sekswal na Krimen at Sekswal na Karahasan(Cabinet Office HP)
【TEL (National Uniform Short Dialing Number):#8891 (HAYAKUYAKU ONE-STOP) (PDF/143KB)】(Cabinet Office HP)
Makokonekta sa pinakamalapit na One-Stop Support Center. Maaari kang kumunsulta tungkol sa mga krimeng sekswal at pambibiktima ng karahasan sa sekswal.
Cure time(Cabinet Office HP)
Kumunsulta tungkol sa pambibiktima ng karahasan sa sekswal sa pamamagitan ng SNS (chat) (magagamit sa 10 banyagang wika).
Kumunsulta tungkol sa anumang bagay na sa tingin mo ay hindi normal, anumang bagay na hindi mo nagustuhan, anumang bagay na bumabagabag sa iyo, o anumang bagay na pinoproblema mo.
Maaaring kumunsulta nang hindi binibigay ang pangalan, anumang edad o kasarian. (Bukas araw-araw mula 5 n.h. hanggang 9 n.g.)
④Kung sa tingin mo ay maaaring child abuse ito.
Child Guidance Center at Child Guidance Center Abuse Response Dial (Ministry of Health, Labor and Welfare HP)
Listahan ng Child Guidance Centers sa Japan(Ministry of Health, Labor and Welfare HP)
【TEL:Tawagan ang pinakamalapit na Child Guidance Center o ang Child Guidance Center's abuse response dial 「189」】
Tumatanggap kami ng mga konsultasyon sa pamamagitan ng telepono tungkol sa mga problema sa pagpapalaki ng bata, pang-aabuso, at iba pang mga isyu.
⑤Kung sa tingin mo ay nakakaranas ka ng karahasan mula sa asawa (DV)
DV Consultation Navi
【TELnationwide abbreviated number):#8008 (Harereba)】(Cabinet Office HP)
Ang tawag ay awtomatikong maipapasa sa pinakamalapit na sentro ng konsultasyonl, at maaring kumunsulta ng direkta.
※May bayad ang tawag
※Ang tawag ay masasagot lamang sa oras ng konsultasyon ng bawat organisasyon.
※Maaring hindi makatawag gamit ang ilang IP phone, atbp.
Kunsultasyon DV + (Plus)
【TEL:0120-279-889(TSUNAGU HAYAKU)】(Cabinet Office HP)
Bilang karagdagan sa 24 na oras na konsultasyon sa telepono, ang mga serbisyo sa social networking (mula 12:00 hanggang 10:00 p.m. at sa 10 wika) ay magagamit din. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng e-mail (24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo) para sa konsultasyon.
⑥Kapag nais mong kumonsulta sa amin tungkol sa iba't ibang problema tulad ng pakiramdam ng kahirapan sa pamumuhay.
Yorisoi Hotline (konsultasyon sa pamamagitan ng telepono, atbp.)
【TEL:0120-279-338】((Yorisoi Hotline website)
Makikipagtulungan kami makahanap ng solusyon sa anumang problema na maaaring mayroon ang kahit sino man.
(Mga halimbawa ng konsultasyon)
・Ang mga gustong kumonsulta tungkol sa mga problema at alalahanin sa kanilang pang-araw-araw na buhay, karahasan sa tahanan, karahasan sa sekswal, atbp.
・Sa nais humingi ng konsultasyon gamit ang ibang wika
Site ng Paghahanap ng Impormasyon sa Suporta (Ministry of Health, Labor and Welfare HP)
Available ang konsultasyon para sa iba't ibang uri ng alalahanin para sa namomoblema at gustong sumoporta.
Kung hindi mo alam kung saan pupunta para sa konsultasyon, maaari kang magsearch ayon sa serbisyo ng konsultasyon ayon sa alalahanin, ayon sa pamamaraan, o ayon sa rehiyon.
Konsultasyon sa pamamagitan ng SNS, atbp.(Ministry of Health, Labor and Welfare HP)
Tumatanggap kami ng konsultasyon para sa mga alalahanin tulad ng "pagkaramdam ng kahirapan sa buhay" gamit ang mga SNS tulad ng LINE, Twitter, Facebook atbp., anuman ang iyong edad o kasarian.
Mayroong suporta para sa iyo
Sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang katanungan,
Mula sa humigit-kumulang 150 na programa ng suporta at mga serbisyo
Maaari mong gamitin ang chatbot upang mahanap ang suporta na angkop sa iyong sitwasyon.