Paraan upang magamit ang serbisyo ng konsultasyon
Upang epektibong magamit ang mga tanggapan ng konsultasyon
Sasabihin sa “webpage” na ito ang mga puntos upang epektibong magamit ang mga tanggapan ng konsultasyon.
1. Benepisyo ng pag-gamit ng mga tanggapan ng konsultasyon
(1)Maaring maayos ang mga alinlangan at problema
Sa pagsasalin sa salita ng mga nilalaman ng isipan o ng malabong nararamdaman at pakikipag-usap sa iba, makakatulong ito sa tiyak na pag-ayos ng mga pinoproblema at pinag-aalinlangan sa sarili.
(2)Makakakuha ng detalyadong impormasyon sa mga sistema ng pagbibigay tulong at serbisyo
Ang mga tagapaglingkod ay laging nangangalap ng impormasyon tungkol sa mga sistema ng pagbibigay tulong at serbisyo na maaring magamit sa pagtulong sa paglutas ng mga alinlangan at problema ng mga dumudulog sa tanggapan.Dahil rito, minumungkahi ang paggamit ng mga tanggapan ng konsultasyon para malaman ang pinakabago at detalyadong impormasyon.
(3)Maaring magkasamang pag-isipan ang mga solusyon sa problema
Ang mga tagapaglingkod ay hindi lamang nagbibigay ng impormasyon, maari rin silang kasamang mag-isip ng mga kailangan upang malutas ang mga pag-aalinlangan at problema.Sa pagsubok na pag-usapan ang mga pag-aalinlangan at problema, maaring lumabas ang mga solusyon na hindi maisip sa sarili.
Sa oras ng konsultasyon, maaring makaramdam ng alinlangan sa pagsasabi ng mga pribadong bagay, ngunit ang tanggapan ng konsultasyon ay may kompidensyalidad, kaya huwag mag-alala dahil hindi ito sasabihin sa ibang tao ng walang pahintulot ng dumulog. Kaya ipanatag ang loob at magkwento.
2. Tips para sa paggamit ng serbisyo ng konsultasyon
Ang mga sumusunod na punto ay para sa paggamit ng serbisyo sa konsultasyon.
(1) Alamin ang serbisyo ng konsultasyon
May mga serbisyo sa pampublikong konsultasyon na ibinibigay ng lokal na pamahalaan at pribadong serbisyo sa konsultasyon na ibinibigay ng NPO.
Ang sumusunod ay isang maikling panimula sa ilan sa mga serbisyo sa pampublikong konsultasyon na ibinibigay ng prefectural at munisipal na pamahalaan para sa iyong sanggunian.
(1) Para sa problema sa pera at trabaho: Mga tanggapan ng welfare, self-Reliance Consultation Support Organization, at Hello Work
Sa opisina ng welfare, maaari kang mag-aplay para sa tulong ng publiko. Sa counter ng self-Reliance Consultation Support Organization, maaari kang sumangguni tungkol sa mga problema sa iyong pang-araw-araw na buhay, tulad ng hindi mo magawang magtrabaho kahit gusto mo, walang matitirhan, at iba pa.
Para sa mga problemang may kaugnayan sa trabaho, nagbibigay din ang Hello Work (Public Employment Security Office) ng pagpapayo para trabaho, mga referral sa trabaho, gabay sa pagsasanay sa trabaho, at pagaasikaso ng insurance sa trabaho, at nag-aalok ng suporta para sa mga isyu na may kaugnayan sa trabaho.
Nag-aalok ang ilang opisina ng Hello Work ng mga espesyal na serbisyo sa konsultasyon, tulad ng Mother's Hello Work, na sumusuporta sa mga taong gustong magtrabaho habang nagpapalaki ng mga anak, at New Graduates Support Hello Work, na sumusuporta sa mga bagong graduate at sa mga hindi pa nakakahanap ng trabaho sa loob ng tatlong taon pagkatapos magaral.
(2) Mga problemang nauugnay sa pagbubuntis, panganganak, pagpapalaki ng bata, at pang-aabuso:
Comprehensive Support Center para sa Child Rearing Generation,Health center,sentro ng paggabay sa bata,Child Guidance Center, Education Center,atbp.
Available ang konsultasyon para sa iba't ibang problema at kahirapan sa panahon ng pagbubuntis, bago at pagkatapos ng panganganak, pagpapalaki ng bata, pang-aabuso, at buhay paaralan ng mga bata. Maaaring ipakilala ang mga support system at serbisyong nauugnay sa pagbubuntis, panganganak, at pagpapalaki ng bata, at maaari ding makuha ng suporta para sa mga pamamaraan tulad ng mga aplikasyon para magamit ang mga system at serbisyong ito.
3) Mga problema sa pagtanda at pangangalaga : Regional Comprehensive Support Center
Available ang konsultasyon para sa iba't ibang problema at alalahanin na may kaugnayan sa pagtanda at pagaalaga sa matanda.
Maaring kumunsulta hindi lamang ang matatanda mismo kundi pati na rin sa mga miyembro ng kanilang pamilya. Nagbibigay din ito ng mga referral para sa mga serbisyong ibinibigay ng long-term care insurance at ang aplikasyon at iba pang mga pamamaraan na kinakailangan upang magamit ang mga serbisyong ito. Maaaring mag-iba ang pangalan depende sa munisipyo.
4)Mga problema na may kaugnayan sa kapansanan: Seksyon sa kapakanan ng kapansanan ng mga munisipalidad
Maaaring sumangguni ang mga indibidwal at pamilya ng may kapansanan tungkol sa iba't ibang problema at kahirapan. Maaari din silang magbigay ng referral sa mga serbisyong welfare ng may kapansanan at ang mga pamamaraan ng aplikasyon na kinakailangan upang magamit ang mga ito.
5)Mga problema at sakit sa isip: Mental Health Welfare Centers,Public Health Centers, atbp.
Available ang konsultasyon para sa iba't ibang problema at kahirapan na may kaugnayan sa problema at sakit sa isip. Available din ang konsultasyon para sa mga miyembro ng pamilya. Mayroon ding mga espesyal na serbisyo ang konsultasyon para sa addict sa alkohol, addict sa droga, addict sa pagsusugal, atbp.
Mayroong iba't ibang serbisyo ng konsultasyon na magagamit sa prefectural at municipal na antas, at ang ilang mga serbisyo ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng telepono, e-mail, o SNS mula sa kahit saan sa Japan. Bilang karagdagan sa pag-alam kung anong uri ng mga serbisyo sa konsultasyon ang magagamit sa iyong prefecture o munisipalidad, tandaan na mayroon ding mga serbisyo na maaaring ma-access mula sa kahit saan sa Japan.
(2) Piliin ang serbisyo ng konsultasyon na pinakaangkop sa iyong mga alalahanin at problema.
Ang bawat sentro ng konsultasyon ay iba iba ang paraan at oras ng konsultasyon, kaya maaaring piliin ang isa na pinakaangkop sa iyong mga pangangailangan sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa sumusunod na dalawang punto.
Pumili ng higit sa isang serbisyo sa konsultasyon na nababagay sa iyo. Dahil maaring mayroong antas na tugma sa iyo, at mayroong din antas na mararandaman mo na hindi tugma, mas mainam na alam mong maari ka pang kumonsulta sa iba.
Maghanda ng memo o bagay upang maisulat ang mga paliwanag at impormasyong natatanggap sa konsultasyon, maaari mong balikan ito sa ibang pagkakataon.
Sa ilalim ng pamagat na "Paraan upang magamit ang serbisyo ng konsultasyon", ibinigay namin ang impormasyon para sa pakinabang ng serbisyo ng konsultasyon at ang mga punto para sa paggamit ng serbisyo.
Sa pammagitan ng paghingi ng konsultasyon ay magkakaroon ka ng kaalamanan ng ibang tao.
Tulad ng pagpunta sa ospital kapag masama ang pakiramdam, gamitin ang serbisyo ng konsultasyon kapag ikaw ay may alalahanin o problema sa iyong pang-araw-araw na buhay.