Paraan ng self care ng makayanan nang maayos ang stress
Paraan ng self care ng makayanan nang maayos ang stress
Mayroon ka bang iba't ibang mga problema, tulad ng problema sa relasyon sa tao, mga isyu sa pera, stress sa trabaho/pag-aaral, atbp., ngunit nasa sitwasyon kung saan hindi mo alam kung ano ang gagawin o wala kang mahanap na makakasama?
Nakakalimutan natin ang pag-aalaga sa sarili kapag nag-iisa at nahihirapan sa buhay. Ituturo dito ng clinical psychologist at ng isang lisensyadong psychologist kung paano mo mapagaan ang iyong pagdurusa hangga't maaari.
1. Ano ang stress?
Ang salitang "stress" na madalas gamitin ay nahahati sa "stressor" at "stress reaction" sa sikolohiya. Ang terminong "reaksyon ng stress" ay tumutukoy sa pagbabago sa isip, katawan, o pag-uugali, tulad ng "iritasyon," "nerbiyos," "sakit ng tiyan," "kahirapan sa pagtulog," o "pagkabalisa" at ang kaganapan o sitwasyon na nagdudulot ng mga pagbabagong ito ay tinatawag na "stressor". Halimbawa, may problema sa relasyon sa tao, isang pag-aaral o aktibidad sa club na hindi maganda, o isang paparating na kaganapan kung saan kailangan magpakita ng tagumpay.
2. Tips upang makayanan ang stress
Nakakayanan natin ang mga reaksyon ng stressor stress sa iba't ibang paraan. Ang patuloy na pagtitiis ng pagkabigo o paglabas ng pagkadismaya sa bagay o tao sa ating paligid ay maaaring humantong sa labis na stress at maaring makapinsala sa tao sa paligid at sa ating sarili. Kailangan matuto tayo kung paano haharapin ng maayos ang stress.
(1) Harapin ang nararamdaman
Sa pamamagitan ng paghahanap ng paraan na nababagay sa iyo, ito ay magdadala ng mga positibong mensahe sa iyong sarili, magpahinga, at huminahon.
Halimbawa, maaari gamitin ang mga sumusunod na pamamaraan
- Makinig sa musika
- Magsulat ng journal
- Gumuhit ng larawan
- Tumingin sa langit
- Huminga ng malalim
- Mag-stretching
- Kumanta
- Maligo
- Matulog
(2) Suporta ng lipunan
Sa pamamagitan ng pagkonsulta sa ibang tao o paghingi ng tulong, maaaring maayos ang iyong mga nararamdaman at makahanap ng mas madaling paraan upang makayanan ang stress. Una, subukang pansinin at ipahayag ang iyong nararamdaman. Ang pangangalaga sa ating sariling damdamin at ng ating mga mahal sa buhay ay makatutulong na protektahan tayo. Subukang panatiliin ang koneksyon sa ibang tao. Manatiling konektado sa iyong mga kaibigan, hobbyist, guro sa paaralan, pamilya at kamag-anak, at sinumang iba pang konektado sa iyo, ito man ay sa pamamagitan ng LINE, e-mail, telepono, sulat, mga social networking site, o anupaman. Mas magiging komportable kung mayroon taong palaging makakausap para sa konsultasyon at manatiling konektado sa lipunan.
(3) Pagharap sa mismong problema
Kailangang harapin ang pangyayaring nakaka-stress at gumawa ng aksyon para malutas ang mismong problema. Ang pagsusulat sa isang journal o pagiimage training ay makakatulong na harapin ang problema nang mahinahon.
Ang pinakakaraniwang ginagamit na "stress reliever" ay kadalasang "coping with feelings". Ang pagkakaroon ng iba't ibang paraan upang makayanan ang stress ay maaaring makatulong na magpagaan sa iyong pakiramdam. Gayunpaman, ang mga "stress-busting" ay maaaring pansamantala lamang sa pagalis ng stress reaction, at hindi ito ang paglutas sa mismong problema. Minsan mahalagang "harapin ang mismong problema" habang ginagamit din ang "pagharap sa mga damdamin" at "suportang panlipunan".
3. Partikular na paraan para magrelax
Kahit na sinabihan na "mag-relax," hindi ito madali. Ang "progressive relaxation method" ay isang paraan na paggamit ng sariling mekanismo ng katawan upang makatulong sa pag-relax. Ang "progressive relaxation method" ay paraan para ma-relax ang buong katawan sa pamamagitan ng mekanismo na itetense muna ang muscle pagkatapos ay irerelax ito.
①: Kamay
② Braso
③Likod
④ Balikat
⑤ Leeg
⑥Mukha
⑦Buong katawan
Nagbigay kami ng ilang mga tip para makayanan ang stress. Mangyaring alagaan ang iyong sarili upang makayanan mo ang mga problemang pisikal at mental nang mawala ang stress.
Ang mga content ng pahinang ito ay kinuha mula sa "Espesyal na Website (Stress Management Techniques)" (Japanese Society for Clinical Psychology).